Pusuan Mo Si Vice Ganda Sa Araneta

Music/Concerts
Schedule/Venue

Smart Araneta Coliseum

Araneta Center
Gen. Araneta cor. Gen. Roxas Ave., Araneta Center, Quezon City
Metro Manila, Philippines

  • 14
    12:00 AM

About the Event

Gusto mo bang kiligin, ma-inlove, humugot, at tumawa ngayong Valentine’s Day? Sagot na ni Vice Ganda ang date mo kasama ang special someone mo o maging date kasama ang pamilya o mga kaibigan mo dahil magbabalik Araneta Coliseum ang unkabogable box-office star para sa isang espesyal na concert na “Pusuan Mo Si Vice Ganda Sa Araneta” ngayong darating na February 14. Single ka man o may jowa, tiyak pupusuan mo ang gabing ito sa saya, musika, katatawanan, at “hugot” na hatid mismo ni Vice kasama ang kanyang surprise guests.

Para bumili ng tickets, bumisita lang sa Ticketnet Online sa http://www.ticketnet.com.ph/. Mabibili ang tickets sa mga sumusunod na ticket prices:

VVIP- P5,975
VIP- P5,210
Patron A- P4,575
Patron B- P2,575
Box Premium-  P1,195
Box Regular- P625
General Admission- P280

Paalaala lamang na ang mga batang may edad 6 pababa ay hindi papapasukin sa venue habang ang mga batang may edad 7-12 naman  ay kailangang may kasamang nakatatanda habang nanonood ng concert.