SilyaWikain: Binigkas, Binagtas, Binigkis

Campus
Schedule/Venue

Sta. Lucia East Grand Mall

Sta. Lucia East Grand Mall
Cainta
Rizal, Philippines

  • 22
    11:00 AM
    to  
    4
    9:00 PM

About the Event

Muling magbubukas ang Taunang Eksibisyon ng mga Silya sa pangunguna ng BS Interior Design Class of 2016 ngayong ika- 22 ng Oktubre hanggang ika- 4 ng Nobyembre sa Il Centro – Sta. Lucia East Grand Mall, Cainta, Rizal na pinamagatang: “SilyaWikain: Binigkas, Binagtas, Binigkis”

Natatanging eksibit ng mga luklukan na nagpupugay sa karangyaan ng ating kultura at ng lingguwaheng Filipino. 

Binigkas ang mga salitang nilimot na ng kasalukuyan. Binagtas ang daan ng malikhaing proseso ng paggawa. At, binigkis ang bawat isa para sa iisang layunin- ang pagsasabuhay ng Wikang Pambansa sa pamamagitan ng muwebles at debuho.

Mula sa Kolehiyo ng Arkitektura at Belyas Artes – Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, binigyang sigla ng dalawampu’t siyam (29) na dibuhante ang ating lingguwahe sa pamamagitan ng haplos ng sining sa bawat disenyo ng sampung (10) tradisyunal na upuan.