Ang dami na kasing pinagdaanan ni Nimfa. Ano yung mabibigay mong advice sa kanya, if you were a friend to Nimfa?
Angelica Panganiban: Okay lang ‘yan, ganyan lang talaga ang life. Nadadapa, pero kailangan mong bumangon. Basta ‘wag mong kakalimutan yung pinanggalingan mo, kung bakit ka nadapa, para hindi ka na madapa ulit. Hindi ko naman siya iju-judge kasi kaibigan ko siya eh. So ibig sabihin parehas lang kami. [laughs]
May line si Sam [as IƱigo Villanueva] doon sa movie, yung nasa beach kayo. Ang sabi niya, “Ang pagmamahal, mas tamang pinapakiramdaman kaysa hindi iniisip.” Do you agree and can you elaborate?
Nag a-agree bako? I think kailangan mo both. Noon siguro nung bata ako, ‘wag ka na mag-isip, mag mahal ka lang! [laughs] Puro puso. Feeling ko kailangan both. Kasi, bakit baā¦ Bakit ba? Bakit mo ba ako tinatanong ng mga ganyan?! [laughs] Pinapakiramdaman? Oo, important na pakiramdaman mo diba? Kesa ineestima mo ng ineestima, pangungunahan mo lagi ng takot. Pero hindi rin naman masama na mag-isip ka kasi tama naman na iniisip mo pa rin yung mga pinapasok mo, kasi baka mamaya masaktan ka na naman. So hindi rin tama na puro nalang pakiramdam, kailangan may tamaing isip ka, di ba? Baka mamaya, may mali ka na namang nagagawa or may mali na palang ginagawa sayo, pero pakiramdam mo okay lang.
Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story premieres on Netflix this October 29.