Hayop Ka interview with Angelica Panganiban - Netflix Animation

Hello, Kitty: Q&A With Angelica Panganiban, The Voice of Nimfa in Netflix Filipino Animation ‘Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story’

We got to interview Angelica Panganiban to learn more about this very first Filipino adult animation film on Netflix!

Paano ka naghanda maging Nimfa? Meron ka bang naging peg or influence?

Angelica Panganiban: Ano, nag pusa-pusaan muna ako sa bahay. [laughs] Charot! Hindi, kasi may pusa ako, so alam ko yung mga, kung paano sila mag-purr, kung paano naglalambing yung mga pusa, diba? Kasi si Nimfa naman, yun naman yung take niya, para silang nasa mundo ng mga animals na feeling nila tao sila. Para lang talaga silang tao, so di naman ako nahirapan mag prepare. Mas naihrapan ako siguro, minsan kasi may mga hindi ako nage-gets like, hindi nga ako kumakanta eh, diba? [laughs] So mas doon ako nahihirapan, kung paano ko ipe-placing yung boses ko. Dapat ba hinaan ko, landian ko pa, o baka sobra? So mas doon ako nahihirapan. Pero pag dating sa pusa-pusaan, kayang-kaya naman. Mas kaya kong maging pusa kaysa maging tao.

Pares at Night: Nimfa with Roger (Robin Padilla), her macho mongrel boyfriend in Hayop Ka! Netflix
Pares at Night: Nimfa with Roger (Robin Padilla), her macho mongrel boyfriend

Tsaka once kasi na pumasok ka na dun sa booth, meron akong goal na, sige tapusin natin ito. Ayokong mag-break. Kasi minsan pag nag bi-break bumababa yung energy ko and nahihirapan ako mag-recover. Pero minsan talagang nauubusan ka ng boses yung, wala na siya! Hanggang dito nalang po, cut-off na po ng boses ko. Mas yun yung mahihirap. At tsaka pag umuuwi ako ng bahay talagang pagod ako, akala mo nag taping ako ng 16 hours. Yung talagang hilik, yung pagod. Nakakapagod siya. Siguro kasi hindi ko mundo, diba? Siguo yung mga voice actors sabihin nila, sus, dali dali. Pero mahirap. Ako nahirapan.

Ano yung tingin mong similarities mo with your character and where do you differ?

Sa libog. Sa libog?! [laughs] Sa panahon ngayon, ang lamig kasi guys eh, umuulan. [laughs] Saan ko siya mako-compare? Actually, hindi naman malayo sa akin si Nimfa, though never lang ako nakapag-cheat pa, at ayoko naman siyang achieve-in. Ayokong makapanakit, diba? Siguro, wala naman akong nakikitang mali siguro sa personality ni Nimfa kasi lahat tayo may mga pangarap along the way na parang, gusto ko rin naman ng ganito, gusto ko rin ng ganyan. Yun siguro, naiintindihan ko yung character niya, and yung proseso para matuto siya. Ganun naman talaga sa life diba? You learn the hard way. I’m sure ganun ako nung kabataan ko. I’m sure ang dami ko ring ginawang mga kalokohan para maabot ko kung nasaan ako ngayon. And I’m sure marami pa akong kailangang din matutunan sa life. Hindi naman ako perpekto. Very relatable kasi si Nimfa eh. Naka-relate ako sa kanya, so hindi ako nahirapan.


Recommended Videos

Related Content

Movie Info

Articles

Interview: Director Avid Liongoren on Making 'Hayop Ka!' -- the Country's First Filipino Adult Animation
'Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story' is now streaming on Netflix! We chat with Avid Liongoren about his first adult-animation film.
WATCH: Angelica Panganiban, Piolo Pascual Lend Voices to Pinoy Animation 'Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story'
The adult animated film directed by Avid Liongoren ('Saving Sally') premieres on Netflix on October 29! Watch the trailer here.
8 Shows and Films Coming to Netflix This October 2020
Here are 8 of the shows you'd definitely be binge-watching this October!

Share this story

Get The Latest Updates

Subscribe To Our Weekly Newsletter