M mong llarenas

0 Following

  • M mong llarenas Reviewed a movie   Wed, 30 Dec 2015 4:04 AM

    #Walang Forever (2015)

    PG Comedy, Romance
    Cast
    Jennylyn Mercado, Jericho Rosales, Lorna Tolentino
    Director
    Dan Villegas

    Maganda yung unang tatlumpung minuto ng pelikula. Tapos nun? Pababa nang pababa nang pababa.

  • M mong llarenas Reviewed a movie   Tue, 29 Dec 2015 8:30 PM

    My Bebe Love: #KiligPaMore (2015)

    PG Comedy, Romance
    Cast
    Alden Richards, Vic Sotto, Ai-Ai de las Alas
    Director
    Jose Javier Reyes

    Nakakatawa rin naman kahit papaano. Ito yung Jose Javier Reyes na gusto ko. Oo, hindi siya Kasal, Kasali, Kasalo o kaya Sakal, Sakali, Saklolo. Pero mabuti naman at hindi siya My Monster Mom o kaya No Boyfriend Since Birth. Walang bago kay Bossing. Palakpakan si Ai-Ai dahil mula simula hanggang matapos ang pelikula, mga sampung minuto lang ata sa mga eksena niya ang hindi siya sumisigaw. Consistent di ba? Mahirap yun ah. May kilig din naman pala itong AlDub na ito. Pwede na. Kaso ang pinakaayaw ko sa pelikulang ito ay ang kabasurahan ng product placements. Oo na, alam na namin na marami k... Read more

  • M mong llarenas Reviewed a movie   Tue, 29 Dec 2015 8:24 PM

    Haunted Mansion (2015)

    PG Horror, Suspense, Thriller
    Cast
    Marlo Mortel, Janella Salvador, Jerome Ponce
    Director
    Jun Lana

    Walang bago. Gifted girl. Two boys fighting over her. Mean girls. Retreat. Haunted mansion. Ghosts. Vengeful ghost. Yeah. Siyempre, may "twist". Hahaha. As if. Techical aspects? Maganda yung production design kaso basura ang dubbing.

  • M mong llarenas Reviewed a movie   Tue, 29 Dec 2015 8:23 PM

    Nilalang (2015)

    R-16 Horror, Suspense, Thriller
    Cast
    Cesar Montano, Maria Ozawa, Meg Imperial
    Director
    Pedring Lopez

    Mahusay. Soundtrack. Special effects. Fight choreography. Kaya lang bitin yung iba. Istorya? Hindi masyadong benta sa akin eh. Parang kulang kulang. Parang minadali. Pero, pwede na. Pwede na.

  • M mong llarenas Reviewed a movie   Tue, 29 Dec 2015 8:22 PM

    All You Need Is Pag-Ibig (2015)

    PG Comedy, Family, Romance
    Cast
    Kris Aquino, Derek Ramsay, Jodi Sta. Maria
    Director
    Antoinette Jadaone

    Hindi lingid sa kaalaman ng marami na tagahanga ako ni Antoinette Jadaone. Pero. Wala talagang bago sa pelikulang ito eh. Napanood na natin lahat yan. Pinagsama sama lang. May kilig moments. May iyak moments. May tawa moments. Pelikula mula sa Star Cinema. Alam na. Oo, maraming di makakalimutang hugot lines, pero hindi lang naman yun ang bumubuo sa isang pelikula di ba?

  • M mong llarenas Reviewed a movie   Tue, 29 Dec 2015 8:20 PM

    Beauty And The Bestie (2015)

    PG Action, Comedy
    Cast
    Vice Ganda, Coco Martin, James Reid
    Director
    Wenn V. Deramas

    Sigurado naman tayong kaya tayong patawanin nitong Vice Ganda-Deramas tandem na ito. May bago ba? Wala. Pero kung gustong matawa, bakit hindi? At nahawakan ng maayos ni Wenn Deramas ang parteng aksiyon ng pelikula. Di nga lang talaga magawan ng paraan ng Star Cinema ang dubbing. Umayos tayo. Muling napatunayan ni Coco na mahusay siyang aktor. Benta. Please. #holdon Kaya lang, talagang invincible yung karakter niya? Hahaha. May karapatan naman akong kiligin sa JaDine no? Hahaha.

  • M mong llarenas Reviewed a movie   Tue, 29 Dec 2015 8:19 PM

    Buy Now, Die Later (2015)

    PG Horror, Suspense, Thriller
    Cast
    Alex Gonzaga, Vhong Navarro, TJ Trinidad
    Director
    Randolph Longjas

    Gumawa nga ng isang pelikula na may coherent na story ay mahirap, paano pa kung isang pelikula na may limang parte na konektado? Kahit papaano napanindigan naman ng pelikulang ito. Sa pangalawang parte makukuha mo na kung anong tinutumbok ng pelikula. Yung pangatlong parte ang pinakagusto ko. Ang ganda ng pagkakagawa. Yun lang, hindi ko ganung kagusto ang katapusan. Pero pwede na. Pwede na.

  • M mong llarenas Reviewed a movie   Tue, 29 Dec 2015 8:16 PM

    Honor Thy Father (2015)

    R-13 Action, Crime, Drama, Suspense, Thriller
    Cast
    John Lloyd Cruz, Meryll Soriano, Khalil Ramos
    Director
    Erik Matti

    Isang pangungusap lang. Minsan lang ang ganitong pelikula sa Metro Manila Film Festival.

Back to Top