Food Diaries: Ramon Bautista

It was the first time I encountered someone immediately admitting he is not a foodie and hates cooking. "Andyan naman si Chef, eh!" Ramon Bautista says, pointing to Chef Edward Bugia that afternoon at Chef Ed's Jupiter branch of BRGR: The Burger Project, a restaurant popular for its DIY (design your own burger) concept.

Clipcast
BRGR: The Burger Project
Chef Edward Bugia puts the spotlight on burgers. Check out BRGR: The Burger Project, where you are to design your own burger!

 

For the entire month of June, Internet action star Ramon Bautista will have his own burger creation, The Dragon BRGR, available at all three branches. I spent an afternoon with Chef Ed and  'Papi' (or 'Dragon,' whichever nickname you prefer to call him) himself for an interview over burgers, milkshakes, onion rings, and animal fries.


Chef Edward Bugia, Ramon Bautista, and the Dragon BRGR hanging out at BRGR Project Jupiter
 

Animal Fries (P135)

It was equal parts full of guiltless eating (ignore how many scoops of ice cream are used for one glass of milkshake) and belly-busting laughter. Read on as the entertainer/actor/DJ/filmmaker/professor--the all-around funny guy Ramon--shares restaurant and dating tips and other fun food things in this Q&A.

Q: Do you cook?

Ramon Bautista: Hinde, hinde talaga.

Pero dati may cooking show ka. Di ka na-inspire doon na magluto?

Oo. Na-inspire ako na hindi magluto kasi mahirap siya gawin, may tendency kang mapaso, matalsikan ng mantika... Tsaka pag nagluto ka, maghuhugas ka ng plato. Eh naalala ko nung childhood ko pag naghuhugas akong plato ayaw na ayaw ko 'yun. So ayokong magluto. Andyan naman si Chef, eh! Yung mga magagaling. At nag-plateau na ang learning curve ko na matututunan yan. Ang paborito kong cooking utensil ay can opener.

Ano ang favorite mong breakfast?

Breakfast? Di ako nagigising eh pag breakfast---wala ba akong ka kwenta-kwentang i-interview? First two questions pa lang, e wala na kagad ako...

Breakfast? Eh kung nagigising ako, kahit ano, depende nalang sa kasama ko mag breakfast. Kasi ibig sabihin, nagising akong maaga. Dalawa lang yan: trabaho, o kaya chicks. Di ako nagigising ng para lang ano... Siyempre diba, ginagabi ako. Nag ti-Twitter kaya ako, at nanonood ng news. Kaya special sa akin ang pag gising ng maaga.

So, di ka nagluluto. Pag kumakain ka, sa labas madalas?

Oo.

So foodie ka ba na madalas kang nasa bagong restaurants?

Hinde. 'Di ako foodie eh, sabihin na natin kaagad yon para ma-establish na natin. Kumakain ako para sa survival. Lalabas lang ako kapag yinaya ako, mas gusto ko sa bahay lang, nanonood ng TV at nag-i-Internet.

May favorite ka bang cuisine?

Cuisine? Ah... Wala eh, kahit ano e... Sabi ko sayo hindi ako foodie eh, nasayang ba hapon mo?

Featured burger for the month of June

Hindi naman. Eh pero kung 'di ka foodie, bakit ka may collaboration with Chef Ed sa BRGR Project? Yung Dragon BRGR na ito...

May theory kasi ako eh. 'Di mo kelangan maging marunong maglagay ng bricks in order to tell a bad wall. Napaka-lalim niyan.

Ano ulit?!

"You don't have to know how to lay bricks in order to tell a bad wall." Bagamat 'di ako marunong magluto, alam ko kung ano yung masarap na burger. Kasi siyempre, kapag sinabing 'Ramon Bautista Burger,' masarap 'yan. Pang tunay na pag-ibig 'yan. Halimbawa 'yan, the Ramon Bautista BRGR. Ine-expect ng mga tao na magpaka-wacky ako diyan, na nakakatawa ang mga ingredients na nilagay ko, halo-halo ng mga wild. Kawawa naman si Chef, walang bibili kasi 'di masarap at tsaka para lang maging nakakatawa. So, mas minimalist siya.


Dragon BRGR (P225) by Ramon Bautista: 100% beef, mozarella, chili con carne, sun dried tomatoes, egg, onions, tomatoes, pickles

Konti lang naman ang mga nagyayari sa kanya, 'di ba? Di naman sobrang wild, tignan mo. Saktong-sakto. Diba pag may date ka, diba, ito ang naisip ko diyan. Hatiin sa dalawa 'yan. Tunay na pag-ibig yan, di ba? Pag hinihiwalay yan, yung mga mozzarella, kumakapit. Nagiging clingy. So hindi kayo pwedeng mag-hiwalay. Metaphor siya.

Sinuggest ko nga na korteng heart yung burger, pero wala silang machine. Talagang true love burger 'yan. Kaya pag nag-share kayo ng ganyan, pwede mong i-slice, pero mas okay kung every other kagat. Every other kagat system. [Everyone laughs] Diba ganon? Every other kagat system? O, pag nagda-drive lalo, nagsusubuan. "Pakagat, pakagat," o tapos "Pa-kiss."

Paano mo na conceptualize yung burger, yung mga ingredients nito?

Dati pa ako nag bu-BRGR Project, tapos ito yung mga nagugustuhan ko. Dati gusto ko yung Italian Stallion [P210, with mozzarella cheese, pepperoni, sun-dried tomatoes, pesto, lettuce, and tomatoes]. So based siya sa Italian Stallion, na minodify ko ng konti. May halong Mexican. So Mexican Italian Stallion talaga siya, na lumabas, Dragon BRGR. Yan ang alamat ng Dragon BRGR.

Sino ba dapat ang magbabayad sa first date, lalaki o babae?

Siyempre yung lalaki as a sign of papasikat sa first date. Di lang bilang gentleman, pasikat ka lang. Kahit mag insist si girlaloo, ikaw ang magsasalo niyan. Kasi yung first date, filter din yan para yung mga bum at yung walang kwenta sa buhay, mafi-filter out na sila sa radar ni girlaloo. Wala silang karapatan mag first date pag wala silang pangbayad.

Oo nga naman.

'Di ba, no? Kakahiya naman, diba.

So kailan mo hahayaan ang girl na magbayad o mag 50/50 sa bill?

Siguro kung mga three months na kayo at lumalabas na ang mga tunay na kulay niyo. Tamad ka na, di ka na pumupunta sa bahay, di ka na nagte-text pag nakauwi ka na...

Ano ba dapat ang hindi ino-order sa restaurant on the first date?

Yung mga ma-onion na pagkain, bukod sa mga kebab, yung maaamoy na pagkain. Siyempre yung onion, baka nakakahiya mag MOMOL. Sa bagay, kung pareho kayong kumain ng onion based products, pareho lang lasa. Pero mabuti na ang may advantage ka. Tsaka wag ka muna mag order ng extra rice sa first date. Parang pakitang-tao din. Put your best foot forward. Half rice half rice ka lang.

So ano dapat ang order mo sa restaurant to impress your date?

Kaya mahirap ang mga first date first date kasi parang job interview yan eh noh? Dapat wag nalang first date eh. Ako, gusto kita. Ikaw, gusto mo ba ako? O, ayaw, e di okay! Nakatipid tayo ng oras, ng panahon, ng salapi! Kasi alam mo na eh. "Ayaw mo sa akin?" "Oo, ayaw." O "Gusto mo sakin?" "Oo." Diba? Direchahan na. Para pag upo natin dito, ayos na. Busy tayong lahat eh diba? Sayang ang oras. Okay lang pag high school diba, wala sigurong ibang ginagawa. Eh tayo... di naman sa waste of time, busy lang talaga. Kelangan efficient. Efficiency.

'Di ba ngayon madami ng foodie. Paano mo malalamaan kung yung invitation na kumain sa labas ay date na, o friendly- friendzone gimik lang?

Kapag mahal yung bill, di na friendly date yun. May malisya na yun. More than P200 yung babayaran ninyo pareho. Kasi kung value meal value meal lang, eh friendly yun! Dinadaan sa mga polvoron polvoron, mga ganyan. Patay malisya. Eh pag dinala mo sa Pino, nako, may gusto sayo yan sa first date, grabe ka naman. Yung tipong Chef Laudico sa The Fort? Deym, mahal ka niyan, girl! In-Instagram pa eh noh?

Iba yung first date sa first eating together eh, noh? "Kain lang tayo guys, hindi date 'to." Magpapasikat ka pa habang kumakain ka. Magpapasikat ka sa kaalaman mo sa mga bagay. Pa-intelihente ka pa. Bumabanat ka pa ng "Ano ba trip mo sa buhay?" Yan, huli ka! "What's a perfect Saturday for you?" Yaaaan.

Mas maganda yung first date pero galit-galit pag kumakain. Galit-galit muna! Ibig sabihin click kayo diba? Di natin kailangang mag-usap.

Kung may vegetarian at may meat lover, pwede ba silang magkatuluyan?

Pwede! Okay nga yun eh, di sila magko-compete sa pagkain. Meron na kasi din yung mga restaurant na pareho meron, diba. Yung may pang vegetarian. Kasi pag nakatagal sila ng mga three meals, o kaya three dates, siguro okay sila. Di magko-conflict. Nagre-respetuhan sila kung ano mang prinsipyo nila, diba?

O, about you naman muna tayo. What food reminds you of your childhood?

Ah, maganda yan ah. Yakult! Kasi dati mas malalaki yung bottles ng Yakult, kinokolekta namin yon tapos ginagawa naming bowling pins na maliit.

Mas malaki ba Yakult dati?

Oo. Yung mataba? Yung Singapore na spec ng Yakult? Ganon dati yung Yakult.

Eh yung food na di pwedeng mawala? Something you cannot give up eating.

Gusto ko sabihin kanin eh. Oo yata. Kanin. Di naman na di ko kayang hindi mag-kanin. Pero bilang prinsipyo lang, may mga taong hindi nagka-kanin diba? 'Wag mo akong tignan dahil wala akong abs! Bahala kayo diyan, kakain akong kanin bilang statement. Kakain ako dahil gusto ko.

Kung may dish na pangalan ay "The Ramon Bautista," ano yon?

Hindi dish yun. Isa siyang experience. [Everyone laughs]

'Di burger! Eh di 'yan! At baket? Siguro burger kasi madali lang kainin, ganun.

If the saying "You are what you eat" is true, then Ramon Bautista is...

A banana! [Everyone laughs] Hindi, isipin mo. Yung banana, nakakatawa kaya yung banana. Diba itsura pa lang, nakakatawa na siya. Tapos kung paano mo siya binubuksan? Paano mo binabalatan ang banana? Guyabano ba, ganon balatan? Apple? Hindi! Banana lang yung unique na ganon. Nung nagbe-brainstorming sila Lord ng mga things in the world e, noh? "Master, may naisip ako. Banana! Eto... Hahahaha!" Tawanan siguro sila. Tsaka chicken. "Lord, may we present to you, our latest animal... the chicken!"

Time out, meron akong trivia.

Okay, sige.

6000 BC, may nakita silang ingredient ng soup. Kauna-unahang ingredient ng soup na may ebidensya. Tinanong sa akin kasi nung sumali ako ng Celebrity Bluff. Anong ingredient yung nasa soup na yon nung 6000 BC? A) Hippopotamus, B) Beef, or C) Chicken? Dagdagan natin, D) Horse.

Parang chicken...

Chicken diba? Parang iisipin mo chicken. May Chicken Soup for The Soul eh, so kasing tanda ng soul natin yung chicken. Pero Hippopotamus ang unang nilagay sa soup. [Note: the author did a quick Google on this, and it's a fact--the first known flavor of soup is Hippopotamus]

Hippo na soup?!

Iba ang foodie dati noh? "Craving for Hippo!" i-tweet mong ganun eh noh?

Yun lang, sige, tuloy.

Okay, last question. What will be your last supper meal? Ano yung handa?

Siguro yung mga low carb at low sugar. Para sa langit may abs ako pag naging angel ako.


The Dragon BRGR: Ready for pick-up, girlaloos and boylaloos!

 

--

Ramon Bautista will have his special burger, The Dragon BRGR, available the entire month of June at all BRGR: The Burger Project branches (Quezon City, Vito Cruz, and Jupiter Makati). Call 2121212 for Deliveries.

Catch Ramon on Boys' Night Out with Tony Toni, Slick Rick, & Sam YG on Magic 89.9 every Monday from 6pm to 10pm. Trapped in the Friend Zone? Tune in to Ramon Bautista's Tales from the Friend Zone (RamonBautistasTFTFZ in Facebook) for love advice. Follow Ramon on Twitter and Instagram: @ramonbautista. 

Profile

Related Content

Editor's Picks