How it works FAQs Privacy Terms My ClickTheCity © 2021

Review

  • K
    80% ng audience sa sinehan, tahimik lang. ‘Yung 20% na tumatawa nang bonggang-bongga, siguro, sila ‘yung magpadala na naman sa hype na mga review sa social media. Paano ko nasabi? Nakikita pa lang nila ‘yung mga “komedyante”, nagtatawanan agad kahit hindi naman nagpapatawa. Tinuturuang magbasa si Boss Sol pero nagtatawanan? Uy, walang nakakatawa sa pagiging mangmang. Parang Bubble Gang: The Movie ‘yung palabas. Jusko. Nakakatawa? Well, may mga eksenang napapangiti ako, like ‘yung Sailor Moon dance ng mag-ama. Pero hindi nito pasasakitin ang tiyan o panga mo. Dalawa lang ‘yung nakita kong galing sa iyak. ‘Yung isa, ‘yung katabi ko pang nagpilit umiyak. Pahikbi-hikbi pa amputa. AHAHAHA. Halatang-halata ‘yung green screen sa pelikula during hot balloon scene. Actually, pwedeng i-cut ‘yung buong pelikula sa 30 minutes. Kung hindi ko napanood ang original version, iisipin kong ginagago lang ako ng pinapanood ko. Maganda naman ‘yung ending scene, ‘yung reunion nina Yesha at Lito. Interesting din ang role at mahusay ang pagkakaganap ni John Arcilla. Pero hindi nito naisalba ang buong pelikula para sa akin. Naiyak ba ako? Hindi. Sabi pa naman nila, wala lang daw puso sng hindi iiyak dito. E baka wala akong puso kaya gano’n. AHAHAHA. Panoorin n’yo pa rin. Give it a try. ‘Wag kayong dumepende sa review ko o sa review ng kung sinuman. Pera mo naman ang lulustayin mo, eh. Basta ako, hindi naiyak.

    Miracle in Cell #7

    Miracle in Cell #7 - A remake of the Korean film of the same name, Miracle in Cell #7 centers on a m...
    ClickTheCity
See more of Keneth Quinto on My ClickTheCity
Already have an account? Log in